Top 6 Pagkaing Pinoy

Advertisement
Share & spread the love!
  •  
  •  
  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

Print Friendly, PDF & Email
Advertisement

Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging mahilig sa pagkain. Lalo na at napakaraming mga kainan ang makikita sa bawat sulok nitong ating bansa. Bawat lugar at probinsya ay mayroong mga ulam na ipinagmamalaki. Bawat okasyon ay mayroon tayong mga partikular na putahe o mga pagkain na inululuto at inihahanda sa ating hapag-kainan. Nandiyan din yung mga pagkakataon na makarinig ka lamang ng salitang pagkaing Pinoy ay papasok na agad sa isip mo ang iba’t-ibang ulam na pwedeng makita sa mga hapagkainan nating mga Pilipino. Ilan sa mga ulam na ito ay ang mga Adobo, Sinigang, Nilaga, Kare-kare, Lechon at iba pang mga ulam na paboritong-paborito natin.

Ika nga ng iba, “EATING. MORE FUN IN THE PHILIPPINES” kaya naman maraming mga Pilipino sa ibang bansa ang mga nakakamiss kumain dito sa atin dahil iba pa rin daw ang LUTONG PINOY. Ang pagkain dito ay hindi lamang masasabi na masarap masasabi rin na malaki ang naitutulong nito pagdating sa ating mga kalusugan dahil bawat isang partikular na pagkain ay mayroong nilalaman na iba’t-ibang bitamina at mga pampalakas sa katawan. Sa ibaba ay makikita ang mga masasarap na mga Putaheng Pinoy na imposible na hindian ng mga Pilipino kapag inihain na sa lamesa.

Sinigang

Ang Sinigang ay isa sa mga paboritong ulam nating mga Pinoy. Pwede itong iluto na Sinigang na Baboy, Sinigang na Hipon, Sinigang na Bangus, Sinigang na Baka at iba pang mga karne at isda na pwedeng isahog sa Sinigang. Iniluluto ito kasama ang maasim na sabaw na ginagawa gamit ang iba’t-ibang pampaasim na nakadepende sa nais mong lasa. Hinahaluan din ito ng iba’t-ibang gulay tulad ng Kangkong, Sitaw, Sigarilyas, Okra, Gabi at hiniwang Talong. Swak na swak ito sa mga taong mahilig sa mga maaasim at masustansya na pagkain.

Adobo

Ang salitang adobo ay nagmula sa salitang Kastila na Adobar. Isa ang Adobo sa mga pinakamasarap na pagkaing Pinoy na madali lamang lutuin at masarap iulam sa kanin. Pwede itong gawing Adobong Manok o Adobong Baboy. Iluluto mo lamang ito sa toyo, bawang, suka, dahon ng laurel at pamintang buo. May ibang tao na kapag niluluto ito ay nilalagyan pa o ginagamitan pa ng iba pang mga sangkap tulad ng pinya at gata upang mas maging masustanya at malinamnam ito.

Lechon

Ang Lechon baboy ay isa sa mga pinakasikat na pagkain, hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit pati na rin sa iba pang mga bansa. Kadalasan natin itong makikita na inihahanda sa mga handaan at okasyon tulad ng kaarawan, binyag, kasal at mga pista dito sa bansa natin. Bago ito lutuin ay nililinis itong mabuti at tinatanggal ang mga lamang-loob ng baboy , matapos nito ay tinitimplahan at nilalagyan ito ng mga pampalasa at tatahiin na ang pinaghiwaan tsaka lalagyan ng isang mahabang kawayan. Habang niluluto ito ay imiikot-ikot ito upang maging pantay ang pagkakaluto.

Ang baranggay La Loma sa Lungsod ng Quezon ay ang kinkilala bilang Lechon Capital of the Philippines. Ito ay dahil sa iba’t-ibang mga nagtitinda ng lechon sa lugar na ito na dinadayo pa ng mga dayuhan upang matikman ang kakaibang sarap ng mga lechon na ginagawa dito.

Kare-Kare

Marami sa ating mga Pilipino ay ito ang paboritong pagkain. Ito ay isang ulam na nilalagyan ng mga karne at hinahaluan ng iba’t-ibang klaseng mga gulay na siyang isa sa mga nagpapasustansya dito. Pinapakuluang ang karne hanggang lumambot at matapos ay hahaluan ng mga sangkap na nagpapalasa dito. Mas masarap ito kapag kasama ang kapartner nito na bagoong sa hapag-kainan.

Nilaga

Ang nilaga ay nangangahulugan din ng pinakuluan, ito ay sa dahilan na sa pagluluto nito ay pinapakuluan ang karne ng baka o karne ng baboy hanggang sa ito ay lumabot. Kapag malambot na ang karne ay pwede nang isama ang iba pang mga sangkap nito tulad ng repolyo, patatas, petchay, saging ng saba at iba pang mga gulay. Ang mga sangkap na ito at ang karne nito ay ang magbibigay linamlam sa lasa ng sabaw nito. Mayroon din itong masarap na amoy na lalong nagpapasarap sa pagkain ng mga kumakain nitong ulam na ito.

Tinola

Ang tinola naman ay isa rin sa mga paboritong iulam nating mga Pilipino sa kanin. Isa rin ito sa mga masusutansyang ulam na madalas pinapakain sa mga kabataan upang maging malusog ang kanilang pangangatawan dahil may mga gulay din itong kasama. Mayroon itong mga pangunahing sangkap tulad ng maok, hilaw na papaya, dahon ng siling labuyo, luya, sibuyas at patis. Sa pamamagitan ng mga ito ay makakagawa ka na ng malasang Tinola.

Iilan lamang ang mga ‘yan sa mga masasarap na putahe na madalas na iniluluto nating mga Pinoy. Marami pang mga pagkain ang paborito nating mga Pilipino ngunit hindi ko na nailagay pa dito ang iba. Sa mga pagkain na naipakita sa itaas ay malalaman mo na kung gaano kahirap tumanggi sa pagkain, lalo na kung ganyan kasasarap ang mga makikita mo sa lamesa ng inyong kusina. Kakaiba talaga ang mga Pilpino kapag usaping pagkain, gamit lamang ang simpleng mga sangkap at pagmamahal sa pagluluto at taong ipinagluluto ay nabibigyan na nila ng kakaibang sarap ang kanilang mga nilulutong pagkain.

“You don’t have to cook fancy or complicated masterpieces
-just good food from fresh ingredients.”- Julia Child


Masasabi ko na tama ito dahil hindi mo naman kailangang gawing kumplikado ang mga niluluto mo. Kailangan lang ay masustansya ang mga ginagawa mo at may kasamang pagmamahal.  Tulad nalang nating mga Pilipino na kapag nagluluto ay gumagamit lamang ng mga simpleng mga sangkap at sahog sa mga ulam ngunit kakaibang sarap dahil sa mga fresh na sangkap na inihahalo natin dito at pagmamahal na ibinibigay natin habang tayo ay nagluluto. Sa pamamagitan nito ay mabibigyan mo na ng masarap na mga pagkain ang sarili mo at ang mga espesyal na tao na ipinagluluto mo.

Advertisement

Looking for other Lutong Bahay Recipes to try on? Feel free to check out our ulam recipes, desserts recipes and snacks recipes.

Submit your Recipe



Some visual and written contents are copyrighted to their respective and considerate owners. We do not claim that these recipes or photos are proprietary to us. If this is yours and you would like it to be removed and not shared with others, please let us know by sending an email to contact @ lutongbahayrecipe.com, you may use our website contact form or by sending a message on our Facebook page. Read our disclaimer.


Share & spread the love!
  •  
  •  
  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share
  • 1
    Share
Advertisement

About Lutong Bahay Recipe 723 Articles
Lutong Bahay Recipe is a website dedicated in introducing different dishes in the Filipino Cuisine to the world. We feature various recipes like meals and snacks, which you can cook right at your own home. In fact, the term “lutong-bahay or lutong bahay” translates to “Home cooked”, and the site aims to help you with that. Filipino, Asian or not, you’re welcome to browse through the site for the best and popular Filipino dishes. Get the recipes you want, so you and your companions could have a great time on the table.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.